Home HOME BANNER STORY BI: 110K biyahero daragsa ngayong holiday season

BI: 110K biyahero daragsa ngayong holiday season

MANILA, Philippines – Inaasahan ang mahigit 110,000 biyahero ngayong taon ang daragsa sa mga paliparan sa pagdiriwang ng Christmas season, ayon kay Bureau of Immigration Commissioner Joel Anthony Viado.

Ani Viado, ang average number ng arrivals noong nakaraang taon ay mahigit 53,000, habang ang average number of departures ay 43,000.

“We are expecting the numbers to further increase this year, and we believe that it will now exceed pre-pandemic numbers.”

Bago ang pandemic, naitatala ng BI ang average na 55,000 daily arrivals tuwing Disyembre.

Nakapagtala rin ito ng average na 47,000 departures noong Disyembre 2019.

Ginawa na ang mga hakbang para sa maayos na operasyon sa holiday season, katulad ng pagpigil sa mga frontline officer na mag day-off para matiyak ang sapat na bilang ng mga tauhan.

Para rin masiguro ang episyenteng pagproseso, sinabi ng BI na magtatalaga rin ito ng mobile counters at gagawing aktibo ang kanilang rapid response teams.

“We have ramped up our operations at major international airports, with additional personnel to maintain a smooth flow of passengers,” pahayag ni Viado.

“Our team is closely monitoring our operations.” RNT/JGC