Home METRO 4 katao, 11-buwang gulang na sanggol, utas sa sunog sa Caloocan

4 katao, 11-buwang gulang na sanggol, utas sa sunog sa Caloocan

1
0

MANILA, Philippines – Utas ang limang katao kabilang ang 11-buwang sanggol at kanyang ina matapos ma-trap sa nasunog na dalawang palapag na apartment sa Caloocan City, Linggo ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ni Caloocan City Central Fire Station arson investigator FO1 Samuel Rentillo Jr., nagsimula ang sunog sa talyer na nasa unang palapag ng apartment sa Blk 57L Lot 4 Sinilyasi st., Dagat Dagatan, Brgy. 08, na pag-aari ng isang Marina Escondo, dakong ala-1:02 ng madaling araw sa hindi pa nabatid na dahilan.

Kaagad namang nakapgresponde ang mga tauhan ng Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) at fire volunteers na dahilan upang agad makontrol ang sunog pasado ala-1:24 na umabot lang sa unang alarma hanggang tuluyang maapula ng alas-2:04 ng madaling araw.

Matapos ang mapping-up operation, nadiskubre ng mga bumbero ang mga bangkay na kinabibilangan ng tatlong babae at dalawang lalaki, kung saan huling nakita ang 11-buwang sanggol.

Napagalaman na kadarating lang sa trabaho ng ama ng sanggol at tinangka pang iligtas ang kanyang mag-ina subalit, hindi na siya makapasok dahil sa laki ng apoy habang labis naman ang paghihinagpis ng mister ng isa pang nasawing ginang matapos makabitaw sa kanya ang misis nang sabay silang lumabas ng nasusunog na tirahan.

Tinatayang P500,000.00 halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog habang nasa anim na pamilya ang apektado na pansamantalang nanunuluyan sa barangay hall ng Barangay 8 kung saan sila pinadalhan ng mainit na pagkain at pangunahing pangangailangan ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here