Home METRO 4 kelot nalambat sa Makati buy-bust ops

4 kelot nalambat sa Makati buy-bust ops

MANILA, Philippines – Sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcment Unit (SDEU) ng Makati City police ay nadakip ang apat na drug suspects na nakuhanan ng iba’t-ibang uri ng ilegal na droga Martes ng gabi, Mayo 28.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD) ay nakilala ang mga inarestong suspects na sina alyas Liit, 29; alyas Ado, 17; alyas Mata, 20; at isang alyas Richmon, 49.

Base sa imbestigasyon ng Makati City police, naganap ang matagumpay na operasyon ng SDEU bago mag-alas 9 Martes ng gabi sa Barangay Pio Del Pilar, Makati City.

Sa isinagawang operasyon ay nakarekober ang mga operatiba ng 14 maliliit na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000; 1 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 23 gramo ng pinatuyong kush (P32,200); 1 self-sealing transparent plastic sachet na may 4 gramo ng magic mushroom; 1 self-sealing plastic containing na mayroong 4 na kapsula ng pinghihinalaang ecstasy (P6,800); 2 cellphones; 1 black sling bag; at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon na P500.

Sa kabuuan ay nakakumpiska ang SDEU ng iba’t-ibang uri ng ilegal na droga sa halagang P141,000.

Ang mga narekober na ilegal na droga, na gagamitin bilang ebidensya sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspects, ay dinala sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa qualitative at quantitative analysis.

Kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinahaharap ng mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Makati City police. James I. Catapusan