Home TOP STORIES Anti-trespassers rule ng Tsina mas lalo lang magpapalala ng tensyon sa WPS

Anti-trespassers rule ng Tsina mas lalo lang magpapalala ng tensyon sa WPS

MANILA, Philippines – Lalo lamang pinapalala China ang tension sa West Philippine Sea bunsod ng banta nitong ikukulong ang mga trespassers sa nasabing karagatan.

Sa panayam kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bagong patakaran ng China ay makapagpapalala ng tensyon sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Pangulong Marcos na labis na nakababahala ang pahayag ng China.

“There’s an extension again on their claim that this is all the maritime territory of China so it’s just, it’s nothing new. There are sometimes there are fishing bans because they are , because of the season and it’s something that has happened before. But the new policy of threatening to detain our own citizens, that is different. That is an escalation of the situation. It is very worrisome,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa pangulo, may ginagawa ng back channel na pag-uusap para pakalmahin ang tensyon.

“Yes of course, I’ve said it many times we should try anything. We don;t know what effort is going to be successful so any point of contact that i can establish, I will use it. At every level, at the leaders level, at the ministerial, sub-ministerial, private, as long as it gives,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa pangulo, kailangang mahinto ang pagiging agresibo ng China gaya ng paggamit ng water cannon, lasers, barrier putting at ang pagharang sa mga mangingisdang Pinoy.

“And if we can get to that, then will to the next step and see if we can see a way to solve all these claims so we cannot all go about our business in a peaceful way and try develop our countries. There’s always all this efforts at every level,” pahayag ni Pangulong Marcos. RNT