Home NATIONWIDE Arsobispo ng Caceres itinalagang PPCRV spiritual director

Arsobispo ng Caceres itinalagang PPCRV spiritual director

MANILA, Philippines – Itinalaga bilang national spiritual director ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), si Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, ayon sa isang post sa website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Si Alarcon ay Itinalaga ni CBCP president Bishop Pablo Virgilio David noong Mayo 27, 2024, pagkatapos ng CBCP Permanent Council meeting noong Mayo 22.

“We express our deepest gratitude to you for accepting this assignment. May the Lord continue to bless and guide your ministry,” sabi ni Bishop David sa appointment letter.

Ang mga tungkulin at responsibilidad na nakalakip sa posisyon ay sumusunod sa mga batas ng PPCRV at sa pakikipag-ugnayan sa CBCP Episcopal Commission on the Laity, dagdag ni David.

Ang PPCRV, na isang pambansang parish-based at ang pulitikal ngunit non-partisan lay movement na gumagana para sa malinis, tapat, tumpak, makabuluhan, at mapayapang halalan, ay kasalukuyang pinamumunuan ni Evelyn Singson. Jocelyn Tabangcura-Domenden