Home METRO 4 Koreano kalaboso sa illegal online gambling

4 Koreano kalaboso sa illegal online gambling

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-aresto ng apat sa Koreans kabilang ang dalawang pugante na umano’y miyembro ng voice pishing syndicate na nag-ooperate sa Pilipinas simula 2017.

Ayon sa ahensya, ang apat ay naaresto sa panahon ng implementasyon ng warrant to search, seize and examine computer data sa condominium sa Porac, Pampanga noong Pebrero 27.

Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang mga computer device at gambling paraphernalia.

Sinabi ng ahensya na ang operasyon ay isinagawa sa kolaborasyon ng International Criminal Police Organization (Interpol), Korean Embassy, at NBI-Pampanga District Office (NBI-PAMDO), kung saan dalawa sa naarestong indibidwal ay Korean fugitives.

Sinabi ng NBI na kabilang sa sindikato ang mga pugante na nanloko sa kanilang mga biktima sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang bankers, na nagkamal ng $840,000 mula sa kanilang na-scam.

Ang dalawa ay nakaditine sa NBI-PAMDO facility.

Samantala, sinabi ng NBI na ang mga naarestong indibidwal ay kinasuhan ng illegal online gambling. Jocelyn Tabangcura-Domenden