Home ENTERTAINMENT Ronnie, PhD holder na!

Ronnie, PhD holder na!

Manila, Philippines – Walang pinipiling edad ang nais makatapos ng pag-aaral.

Ito ang pinatunayan ni Ronnie Liang na nagtapos nang may doctorate degree in security development administration.

He graduated from the Philippine Christian University.

Balak ng singer-actor na i-pursue ang kanyang commercial pilot career.

Inamin ni Ronnie na hindi madali ang kanyang journey toward obtaining the said degree.

May mga times daw na gusto na niyang sumuko.

Pero ang young generation daw ang dahilan ng kanyang pagpupursige.

“It’s not about the title or the degree but rather the value of education,” saad ni Ronnie.

Kinakantyawan nga raw siya kung may balak siyang pumasok sa pulitika.

“And I would always jokingly say ‘Yes, I plan to run for President!'” sey niya.

Pero ang totoo’y nais niya raw lumikha ng komunidad na sa halip na nag-aaway ay nagsusuportahan.

Nais ni Ronnie na pangibabawin ang kapayapaan kesa sa pag-aaway.

Sa bandang huli, iniaalay ni Ronnie ang kanyang ph.d diploma sa kanyang pamilya’t mga kaibigan who believed he could successfully do it.

Congrats, Ronnie Liang! Ronnie Carrasco III