
MANILA, Philippines- Positibo pa rin ang shellfish sa apat na lalawigan sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na lampas sa regulatory limit, base sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes.
Sinabi ng BFAR sa abiso na hindi ligtas kainin ang mga shellfish na nakolekta mula sa sumusunod na katubigan:
Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
coastal waters ng Leyte sa Leyte
Matarinao Bay sa Eastern Samar
coastal waters ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay Province