Home METRO 4 magkaka-pamilya patay sa aksidente

4 magkaka-pamilya patay sa aksidente

MANILA, Philippines- Idineklarang dead on arrival sa pinakamalapit na pagamutan ang apat na miyembro ng pamilya matapos na aksidenteng bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa puno nitong Huwebes sa kahabaan ng Barangay Vigo San Narciso, Quezon.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya dakong alas-3 ng hapon, habang ang mga biktima na sina alyas CJ, Jessica, Cheanne at Charmel na kapwa magka-angkas na lulan ng isang motorsiklo ay pauwi makaraang dumalo sa okasyon ng isang kamag-anak, bigla umanong aksidenteng bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang puno.

Hinihinalang nawalan nang kontrol ang handlebars ng nasabing motorsiklo kaya aksidenteng bumangga sa puno ang sasakyan na naging sanhi upang magkakahiwalay na tumilapon ang mga biktima nang mahulog sa kanal ang sasakyan.

Mabilis namang isinugod ang mga biktima sa ospital subalit idineklarang patay na ang mga ito, habang patuloy ang pagsisiyasat ng San Narciso Police Station sa naganap na insidente. Ellen Apostol