Home METRO 4 na drug suspects timbog sa drug ops sa Malabon, Navotas

4 na drug suspects timbog sa drug ops sa Malabon, Navotas

MANILA, Philippines – SHOOT sa rehas na bakal ang apat na drug suspects, kabilang ang dalawang ginang matapos madakip ng pulisya sa magkahiwalay na drug buy-bust operation sa Malabon at Navotas City.

Base kay P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy-bust operation sa Gozon Compound, Brgy. Tonsuya kontra kay alyas “Merlin”, 58 (pusher/listed) ng Brgy. Longos.

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinakip ng mga operatiba, kasama si alyas “Kang Kang”, 53, na bumili din umano ng droga kay ‘Merlin’.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 5.0 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000 at buy-bust money.

Samantala sa lungsod ng Navotas, nalambat naman ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU team sa buy-bust operation sa Tanigue St., Brgy. NBBS Dagat-Dagtan dakong alas-10:18 ng gabi sina alyas “Vecvec”, 59, electrician ng Brgy. NBBS at alyas “Aron”, 20 ng Brgy. NBBN.

Ayon kay Navotas Police chief P/Col. Mario Cortes, nakuha sa mga suspek ang aabot 5.5 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P37,400 at buy-bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez