Home ENTERTAINMENT Kathryn, ibinuko ang pangingialam sa career ni Daniel!

Kathryn, ibinuko ang pangingialam sa career ni Daniel!

Manila, Philippines – Nauna nang naiulat na pinigilan umano ni Daniel Padilla ang nobya niya noon na si Kathryn Bernardo na gawin ang sequel ng Hello Love Goodbye with Alden Richards.

Kesyo insecurity at selos daw ang umiral kay Daniel.

Lalo pa nga raw itong napatunayan nang bumisita si Daniel sa shooting ng HLG sa Hongkong on the pretext na dadalawin lang nito ang kanyang mga kaibigan sa production.

Kung ganoon ay bakit may lumabas na dinedma lang ni Daniel si Alden?

Anyway, ang latest na balita’y hindi raw kinayang tingnan ni Daniel ang sweetness nina Kathryn at Alden whose pictures are all over social media.

Pero may mas matinding update sa side ni Kathryn.

Kung inaakala raw ng mga netizens ay mas controlling si Daniel noon kay Kathryn, they’ll be in for a big surprise!

Tsika ng mga tagapagtanggol ng aktor, pati si Kathryn din naman daw noon ay “kontrabida” sa mga film projects ni Daniel.

How true na inalmahan ni Kathryn ang pelikulang dapat sana’y pagsasamahan nina Daniel at Sarah Geronimo?

Also, what’s this we heard na pumalag din si Kathryn sa supposed film project ni Daniel kasama sina Liza Soberano at Pia Wurtzbach?

Whether there’s truth to it o wala, malinaw na ang mga naglalabasan ngayon tungkol sa noo’y paghihigpit nina Kathryn at Daniel sa isa’t isa ay hindi nakakatulong sa kanilang respective careers.

To top it all, ang lagay ba naman ay mas nasusunod ang kasintahan over the film company bosses na nagpapasuweldo lang sa kanila? Ronnie Carrasco III