Home NATIONWIDE Make-up classes sa suspensyon ng F2F dahil sa init ng panahon, ‘di...

Make-up classes sa suspensyon ng F2F dahil sa init ng panahon, ‘di kailangan – VP Sara

MANILA, Philippines – Hindi na kailangan pang magpatupad ng make-up classes sa kabila ng mga suspensyon ng face-to-face classes dahil sa matinding init ng panahon sa ilang lugar sa bansa, sinabi ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte nitong Lunes, Abril 8.

Sa ambush interview, ipinaliwanag ni Duterte na hindi naman talaga naantala ang pag-aaral ng mga estdudyante dahil nag-shift lamang ito sa online o modular sa oras na suspendido ang face-to-face classes.

“Hindi na (kailangan ng make-up classes) dahil ang sinuspend lang naman natin ay ‘yung in-person classes. Pero ‘yung pag-aaral nila ay tumutuloy ‘yun sa alternative delivery modes tulad ng online o modular,” ani Duterte.

Matatandaan na binigyan ng Department of Education (DepEd) ng kapangyarihan ang mga paaralan na magdesisyon kung magsususpinde ng face-to-face classes dahil sa matinding init ng panahon na pinalala ng El Nino. RNT/JGC