Home METRO Kelot na armado ng sumpak, bagsak sa selda

Kelot na armado ng sumpak, bagsak sa selda

89
0

MANILA, Philippines -SHOOT sa kulungan ang isang lalaki matapos manggulo at mambulabog sa katahimikan ng gabi habang armado ng baril sa Caloocan City.

Bandang alas-1:30 ng madaling araw nang mabulabog ang gising ng mga residente ng Robes II, Brgy. 175 Camarin sa ginawang panggugulo at paghahamon ng away ng suspek na si alyas “Topak” habang may bitbit na isang sumpak.

Base kay Caloocan Police chief Ruben Lacuesta, kaagad itinawag ng isang concerned citizen sa lugar ang pagwawala ng suspek na dahilan upang respondehan ng mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station-11 na nakakasakop sa lugar.

Nang dumating sa area ang mga pulis nadatnan ng mga ito kasama ang ilang barangay tanod ang suspek na palakad-lakad at patuloy sa pagwawala habang hawak ang isang baril na dahilan upang dambahin kaagad siya ng mga otoridad.

Nakumpiska sa suspek ang isang improvised shotgun na kargado ng isang 12-gauge na bala.

Mahaharap sa kasong RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunations Regulations Act ang suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. R.A Marquez

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here