Home NATIONWIDE 4 na holdaper na nambibiktima sa Tagaytay, arestado

4 na holdaper na nambibiktima sa Tagaytay, arestado

MANILA, Philippines – Apat na katao kabilang ang isang babae na lulan ng isang Toyota Innova nang madakip sa isang hot pursuit operation matapos mambiktima sa Tagaytay City.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Rey, 55 ng Ph2 Brgy. Bulihan, Silang, Cavite; alyas james, 49 ng Brgy. Kalinisan, Bacoor, Cavite; alyas Alvin, 35 ng Brgy. Zapote IV, Bacoor, Cavite; at alyas Lanni, 49 ng Ph1 at Ph2 Brgy Bulihan, Silang, Cavite na pawang sakay ng isang Toyota Inova na my plakang ZET 399.

Ayon sa pulisya, bandang alas-4:00 kamakalawa ng hapon ay naglalakad ang biktima na si alyas Ronald sa Brgy Tolentino East, Tagaytay City nang tutukan siya ng baril ng isa sa suspek at tangayin ang kanyang wallet na naglalaman ng kanyang mga ID at cash na P10,000.

Sa reklamo rin ni alyas Nancy, bumibili siya ng mga prutas sa Tagaytay City Market habang ang mister nito ay nasa sasakyan na nakaparada nang katukin siya ng isa sa suspek at may sinasabing hindi maintindihan kaya lumabas ito upang tignan sa likurang bahagi ng kanilang sasakyan.

Dito na sumalisi ang isa pang suspek at tinangkang kunin ang bag sa loob subalit napansin ito ng biktima habang hinaharangan naman ng isa pang suspek ai alyas Nancy hanggang sa umalis ang mga suspek at sumakay sa isang Toyota Innova.

Nagsumbong si alyas Nancy sa pulisya kung saan nagsagawa ng hot pursuit operation at naaresto ang mga suspek at nabawi ang tinagay na cash at mga ID ni Ronald.

Nakarekober din ng isang granada sa loob ng nasabing sasakyan na gamit ng mga suspek.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Robbery hold-up at RA 9516 (Illegal Possesion of Explosives) ang mga suspek. MARGIE BAUTISTA