MANILA, Philippines — Pinalaya na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang apat na indibidwal na inaresto matapos ang komosyon sa isinagawang kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) sa People Power Monument sa Quezon City nitong Martes.
Ayon kay NCRPO spokesperson Maj. Hazel Asilo, pinalaya ang bus driver na unang inaresto matapos hindi na ituloy ng pulis na sangkot sa insidente ang reklamo laban dito.
“The bus driver was let off the hook by our police officer since what had happened was only part of his job, so she forgave him,” ani Asilo sa mga mamamahayag.
Sinabi rin ni Asilo na natukoy na ng mga awtoridad ang umano’y sumuntok sa isang pulis at patuloy na sinusuri ang mga available na CCTV footage. Samantala, iniimbestigahan pa ang dalawa pang indibidwal na sangkot sa kaguluhan upang matukoy kung saang grupo sila kabilang.
“The person who punched a police officer has been identified by our police officer… We’re still checking the available CCTV… The two others who caused a ruckus, we’re still checking what group they belonged to… They’re for further investigation,” dagdag niya.
Naganap ang komosyon matapos harangin ng ilang bus ang lahat ng northbound lane ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) kasunod ng pagsisimula ng rally ng INC, na muntik nang makakulong sa isang pulis. Dahil dito, iniutos ni NCRPO director Maj. Gen. Anthony Aberin ang pag-aresto sa bus driver, na nauwi sa girian sa pagitan ng mga raliyista at mga pulis.
Una nang inaresto ng pulisya ang hindi bababa sa tatlong indibidwal dahil sa umano’y pananakit sa mga pulis sa kasagsagan ng insidente.
Isinagawa ng INC ang rally bilang suporta kay Sen. Rodante Marcoleta, na nahaharap sa nalalapit na kasong plunder kaugnay ng umano’y P75-milyong donasyong natanggap nito habang kongresista pa bago ang kanyang matagumpay na pagtakbo bilang senador noong 2025. Santi Celario