Home NATIONWIDE 4 naaresto sa nilusob na bodega ng bigas sa Bulacan, sinampahan ng...

4 naaresto sa nilusob na bodega ng bigas sa Bulacan, sinampahan ng reklamo sa DOJ

MANILA, Philippines -Ipinagharap na ng National Bureau of Investigation (NBI) ng patung-patong na reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang apat na indibidwal na naaresto sa isang bodega ng bigas sa Bocaue, Bulacan.

Ayon sa NBI, kabilng ang isang manager, dalawang cashier, at isang inventory officer ang ipinagharap ng reklamong hoarding, adulteration, profiteering, untruthful labeling, at economic sabotage, dahil tumangging pangalanan kung sino ang may-ari ng Rice Milling at Rice Retailing sa Golden City, Taal, Bocaue.

Nitong Miyerkules ng umaga, Pebrero 12, nagtungo sa tanggapan ng Department of Justice ang NBI para sa paghahain ng reklamo.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, lumabas sa kanilang ginawang pagsisiyasat na pinaghahalo ng naturang bodega ang lumang bigas sa bago saka ibinibenta sa merkado sa mas mataas na presyo.

Ang nasabing bodega ay sinalakay ng NBI at Department of Agriculture (DA) kung saan nadiskubreng ilegal na nag-iimbak ng mga tone-toneladang bigas. Jocelyn Tabangcura-Domenden