Home NATIONWIDE 4 nakalistang pasahero ng MV June Aster nakumpirmang ‘di sumakay ng barko...

4 nakalistang pasahero ng MV June Aster nakumpirmang ‘di sumakay ng barko – PCG

1
0

MANILA, Philippines – Bumaba sa 128 ang bilang ng mga pasahero at tripulante na sakay ng MV June Aster, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa pinakahuling tala, 77 ang namatay, 43 ang nakaligtas at walo ang patuloy na pinaghahanap ng joint search and rescue team.

Ang pagbaba ng bilang ay kasunod ng beripikasyon na apat pang pasahero na nakalista sa ticket manifest ng barko ang hindi nakasakay sa paglalayag mula Baseco, Maynila papuntang Coron, Palawan.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, nakatanggap ng impormasyon ang Emergency Operations Center sa Coron, Palawan na hindi nakasakay sa RoRo vessel ang apat na pasahero.

Agad namang hinanap ng PCG ang mga pasahero at pisikal na naberipika ang apat nitong Setyembre 16.

“Based on the verification, three of the four individuals said they had intended to book tickets from Coron to Manila but mistakenly booked the opposite route, from Manila to Coron,” sabi ni Cayabyab.

“The fourth passenger had booked another ticket and had already traveled to Coron via another passenger vessel on September 5, 2026,” dagdag pa ng opisyal.

Kaya naman sa pinakahuling tala ng PCG, nasa walo na lamang ang pinaghahanap. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here