Home METRO 4 patay, 1 sugatan sa sunog sa Kabite

4 patay, 1 sugatan sa sunog sa Kabite

LUCENA CITY- Patay ang apat na indibidwal habang isa ang sugatan sa sa sunog nitong Martes na lumamon sa limang kabahayan sa Tanza, Cavite.

Sinabi ng Tanza Fire Station sa ulat ng Police Region 4A na sumiklab ang sunog ng alas-11:54 ng gabi nitong Lunes, sa isang residential area sa Barangay Biwas at naapula ng alas-2:39 ng madaling araw kinabukasan.

Batay sa ulat, kinilala ang mga nasawing sina Teresita, 68; Anthony, 39; Gerrone Owen, 12; at Gemille Anthea, 5, na kapwa Domingo ang apelyido.

Nagtamo naman ng sunog sa katawan si Jeni Domingo, at dinala sa Tanza Specialist Hospital para magamot.

Hindi idinetalye sa ulat kung ano anga relasyon ng mga biktima sa isa’t isa.

Batay sa mga saksi, sinabi ng fire investigators na nagsimula ang pagliyab sa ikalawang palapag ng tahanan ng mga Domingo.

Tinatayang aabot sa P9 milyon ang pinsalang dulot ng sunog.

Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang mitsa ng sunog. RNT/SA

Previous articlePNP: Pagmamay-ari ng mga sibilyan ng semi-automatic rifle ‘di maaabuso
Next articlePinay transgenders, Thai peers nagbangayan!