Home NATIONWIDE Pinay transgenders, Thai peers nagbangayan!

Pinay transgenders, Thai peers nagbangayan!

BANGKOK- Nagpasaklolo sa police officers ng Lumphini station nitong Lunes upang awatin ang away sa pagitan ng nasa 20 Pinay transgenders at apat na Thai counterparts sa loob ng isang restaurant sa Soi Sukhumvit 11 malapit sa Nana BTS station. 

Sugatan ang isang Thai sa away, ayon sa kaibigan ng biktima, na sinabing nag-away na ang dalawang grupo noong, subalit ito umano ang unang pagkakataong nauwi ito sa pisikalan.

Ayon kay Lumphini station chief Pol. Col. Yingyos Suwanno, pinapunta ang mga pulis sa lokasyon upang awatin ang kaguluhan, tiyakin ang kaligtasan ng publiko, at imbitahan ang dalawang partido upang kausapin sa istasyon.

Kinakapanayam ng mga imbestigador ang Pinay transgenders at Thais maging mga saksi upang matukoy kung paano nagsimula ang away. Susuriin din nila ang travel documents ng non-Thais upang matiyak na walang nilabag na immigration laws.

Halos 100 indibidwal, karamihan sa kanila ay Thai transgender women, ang nagtungo sa istasyon nitong Lunes upang humingi ng update sa insidente. Sinabi ng isa sa kanila sa The Nation na nais nilang paigtingin ng kapulisan ang pagpatrolya sa Soi Sukhumvit 11/1 upang maiwasan ang pag-atake sa Thai transgenders. RNT/SA

Previous article4 patay, 1 sugatan sa sunog sa Kabite
Next article‘Money-making scheme’ ni Quiboloy sa abroad ibinulgar sa Senado