Home NATIONWIDE 4 patay sa lindol sa Japan

4 patay sa lindol sa Japan

TOKYO, Japan – Apat na tao ang kumpirmadong namatay sa malakas na lindol na yumanig sa Japan, iniulat ng Kyodo news agency ngayong Martes, Enero 2.

Ang nasabing impormasyon ay base na rin sa paunang imbestigasyon ng awtoridad sa Ishikawa prefecture.

Ang 7.4-magnitude na lindol ay yumanig sa prefecture sa Sea of ​​Japan na bahagi ng pangunahing isla ng Honshu noong Lunes, na nag-trigger ng tsunami wave na mahigit isang metro ang taas, nasira ang mga tahanan, at nagdulot ng malaking sunog. RNT

Previous articleWalang Tsunami threat sa Pinas kasunod ng M-7.4 Japan quake
Next articleAmihan, easterlies magpapaulan sa bansa