MANILA, Philippines – Makaaapekto ang Northeast Monsoon (Amihan) sa Northern at Central Luzon ngayong Martes, Enero 2, habang ang easterlies ay makakaapekto sa natitirang bahagi ng bansa, iniulat ng PAGASA.
Ang Mindanao ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies na may flash flood o landslide na posibleng mangyari dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang Cagayan Valley, Aurora, at Quezon ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon na may flash floods o landslides na magaganap dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, ang natitirang bahagi ng Central Luzon, at ang natitirang bahagi ng Calabarzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mahinang pag-ulan dulot ng Northeast Monsoon na walang makabuluhang epekto.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies at mga localized thunderstorm na may flash flood o landslide na posibleng mangyari sa panahon ng matinding pagkulog.
Sumikat ang araw bandang 6:21 a.m.,at lulubog ito ng 5:38 p.m. RNT