MANILA, Philippines – Ligtas ang mga Pinoy na nakatira sa Wajima, Ishikawa Prefecture sa Japan na niyanig ng malakas na lindol noong Lunes, ayon sa opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega, ayon sa isang ulat, na agad silang nakipag-ugnayan sa Filipino community sa lugar at walang naiulat na nasawi sa oras.
Sinunod din ng mga Pilipino ang payo ng prefectural government na lumikas sa mas mataas na lugar at iwasan ang mga kalsada at tulay na nasira ng lindol.
Naglabas din ng katulad na advisory ang Nagoya Philippine Consulate General at patuloy na binabantayan ang sitwasyon.
Sinabi ni De Vega na mayroong 1,300 sa 300,000 Pilipino na naninirahan sa loob ng Ishikawa Prefecture.
Samantala, sinabi ni OWWA Administrator Arnell Ignacio na patuloy na binabantayan ng mga welfare officer ang sitwasyon sa Japan.
Apat na tao ang kumpirmadong namatay sa malakas na lindol na yumanig sa Japan, iniulat ng Kyodo news agency noong Martes, binanggit ang mga awtoridad sa Ishikawa prefecture. RNT