Home HOME BANNER STORY Hotlines para sa mga Pinoy sa Japan pinagana ng DMW

Hotlines para sa mga Pinoy sa Japan pinagana ng DMW

MANILA, Philippines – Pinagana na ng gobyerno ng Pilipinas ang mga hotline para sa tulong para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya sa Japan sa gitna ng banta ng tsunami na dulot ng 7.4 magnitude na lindol na tumama sa bansa, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sa isang advisory, sinabi ng DMW na bukas din ang helpline para sa mga tawag mula sa labas ng Japan.

Ang mga hotline ay ang mga sumusunod:

1. DMW-OWWA Japan Help desk (lokal) – 1348

2. DMW-OWWA Japan Help desk (abroad) – (+632) 1348

3. DMW-MWO-Osaka – (+81) 7022756082 o (+81) 7024474016

Naglabas ang Japan Meteorological Agency ng tsunami warning sa mga coastal regions ng western Japan matapos tumama ang naitalang 7.6 magnitude na lindol alas-4:10 ng hapon sa Araw ng Bagong Taon.

Ayon sa United States Geological Survey at Japan Meteorological Agency, ang lindol ay may lalim na 10 kilometro (6 milya), 42 kilometro hilagang-silangan ng Anamizu sa Ishikawa prefecture.

Ang mga naitalang aftershocks ay na-tag sa 6.2 magnitude at 5.2 magnitude minuto pagkatapos ng unang hit. RNT