Home NATIONWIDE 3 parak na rumesponde sa pagkamatay ni Ronaldo Valdez tanggal sa pwesto...

3 parak na rumesponde sa pagkamatay ni Ronaldo Valdez tanggal sa pwesto sa kumalat na video

MANILA, Philippines-  Tinanggal sa pwesto ang tatlong pulis ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa umano’y pagkakasangkot sa na-leak na video ng nasawing beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.

Kinilala naman ang mga opisyal na ni-relieve noong Miyerkules na sina PLt. Col. Reynaldo Parlade, Police Station 11 commander; at Senior Master Sgt. Wilfredo Canilao, at Cpl. Romel Rosales, parehong first responder.

Makikita sa viral video ang bangkay ng aktor kasunod ng kanyang pagkamatay.

“Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Anti Cyber ​​Crime Team, isa pang tauhan ng PS 11 ang nag-post ng nasabing video sa kanilang Viber group habang tatlong sibilyang Facebook account ang natukoy na unang nag-upload ng video at compilation ng mga larawan ng insidente sa Facebook,” anang QCPD sa isang pahayag.

Hiniling na ng QCPD sa Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group na ‘wag nang ipakalat ang video online.

Sinabi ng QCPD na ang tatlong opisyal ay maaaring humarap sa mga kasong kriminal at administratibo.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ng aktor. Santi Celario