Home METRO 8-anyos wasak-kamay sa pinulot na paputok

8-anyos wasak-kamay sa pinulot na paputok

MANILA, Philippines – Sugatan ang tatlong batang magkakapatid at isa nilang kaibigan matapos sumabog ang pinulot nilang paputok sa Sampaloc, Maynila.

Isa sa mga bata ang wasak ang kamay at kinailangang putulin sa insidente.

Napag-alaman sa imbestigasyon na nakita ng mga magkakaibigan ang isang paputok sa daan na hindi sumabog at inilagay nila ito sa apoy.

Nasa edad na anim hanggang walo ang mga bata, na pawang dinala sa ospital.

Nakalabas na ng pagamutan ang tatlo sa mga biktima, habang inilipat sa Children’s hospital ang batang 8 anyos para putulin ang nawasak niyang isang kamay.

Hindi pa malinaw kung anong uri ng paputok ang napulot ng bata na sumabog.

Ayon sa ina ng bata, bago pa man mangyari ang insidente ay pinagsabihan na niya ang anak na huwag pupulot o bibili ng paputok. RNT