MANILA, Philippines – Patay ang isang indibidwal na tinamaan ng ligaw na bala sa Mariveles, Bataan.
Iniulat din ng Philippine National Poloce na habang hindi bababa sa apat na iba pa sa buong Luzon ang nasugatan sa walang habas na pagpapaputok sa kapistahan ng Bagong Taon.
Base sa ulat, lumabas lang ang biktima sa balkonahe para magpahangin, Linggo ng gabi at dito na ito tinamaan ng ligaw na bala.
“Kaagad pong dinala nila ito sa Mariveles District Hospital subalit binawian din po ito ng buhay,” ani PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo.
Ang iba pang biktima ng ligaw na bala ay naitala sa Antipolo kung saan isang babae ang natamaan habang nanonood lang ng pagpapaputok sa labas ng bahay kasama ang kanyang pamilya.
Agad naman siyang dinala sa ospital para magamot.
Ginamot din sa ospital ang isang taga Marikina na natamaan sa paa.
Habang sa San Fabian, Pangasinan, dalawa pang tao ang tila biktima rin ng ligaw na bala.
“Nag-conduct na sila ng trajectory examination, for possible identification, kung saan maaaring nanggaling itong mga bala,” ayon naman kay Fajardo. Santi Celario