Home NATIONWIDE Rematch kay Mayweather ipinahiwatig ni Pacquiao

Rematch kay Mayweather ipinahiwatig ni Pacquiao

MANILA, Philippines – Nagpahiwatig sina  Manny Pacquiao at Rizin Fighting Federation executive Nobuyuki Sakakibara apara sa rematch ng Filipino boxing icon at ng mahigpit nitong karibal na si Floyd Mayweather sa Rizin 45 event na ginanap noong Linggo, Disyembre 31, sa Saitama Super Arena sa Japan.

Nagsalita si Pacquiao sa madla sa kaganapan at nagsalita tungkol sa isang potensyal na labanan sa pagitan nila ni Mayweather.

“Thank you so much for inviting me here again. I’m sorry for the last time that we promised that I’m going to fight this year. But as Sakakibara-san explained… next year. I hope to see you in japan again in a big fight,” ani Pacquiao.

Binanggit naman ni Sakakibara ang pangalan ni Mayweather kung saan nagsalit si Pacquiao: “I thought you didn’t want me to say that. But I’m excited for that. Thank you for always supporting Rizin and all his promotions.”

Naglaban sina Pacquiao at Mayweather sa isang opisyal na laban noong 2015 kung saan nanalo ang American boxing legend sa pamamagitan ng unanimous decision. RNT