Home METRO Makati ‘Yellow cards’ ‘di na magagamit ng EMBO citizens

Makati ‘Yellow cards’ ‘di na magagamit ng EMBO citizens

MAKATI, Philippines – Hindi na magagamit ang yellow cards ng mga residenteng naninirahan sa 10 Enlisted Men’s Barrio (EMBO) villages, na bahagi na ngayon ng Taguig City batay sa desisyon ng Korte Suprema, simula nitong Lunes, Enero 1.

Ayon ito sa anunsyo ng Makati City government kung saan hindi na makakukuha ang mga nasabing residente ng public health services, mga gamot, at tulong pinansyal.

“Alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema, ikinalulungkot naming ipaalam sa inyo na simula January 1, 2024 wala nang bisa ang YELLOW CARD na may address sa 10 EMBO barangays maliban kung sila ay mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Makati,” the local government said.

Noong 2023, pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon nitong 2021 na nagdeklarang Taguig City, hindi Makati, ang may hurisdiksyon sa Fort Bonifacio Military Reservation kung saan ang Bonifacio Global City (BGC) at ang EMBO barangays – Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo , East Rembo, at Pitogo – ay matatagpuan.

“Samantala, gustuhin man ng Makati itong panatilihing bukas ang health centers at lying-in, ngunit ang license to operate ng mga ito ay expired na, kung kaya’t kinakailangan na rin isara,” dagdag pa ng Makati. RNT