MANILA, Philippines – Duda si Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla na nasa Pilipinas na ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) upang imbestigahan na ang war on drugs na isinagawa noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit ni Remulla na kung totoo na sinimulan na ng ICC ang imbestigasyon ay tungkulin pa rin ng mga ito na ipaalam sa Department of Justice ang kanilang pakay batay sa principles of international law.
Sinabi ng kalihim na wala pang ICC investigator ang nakikipag-ugnayan sa DOJ.
Ang pahayag ni Remulla ay bunsod ng mga ulat na may mga ICC investigators ang labas-pasok nasa bansa upang simulan ang pagsiyasat sa mga umano ay pag-abuso at pagpatay ng mga law enforcement agencies sa kasagsagan ng iligal na drug war ng Duterte administration.
Si dating presidential spokesperson Harry Roque, ang nagbunyag sa kanyang social media hinggil sa presenya sa bansa ng mga taga ICC.
Sinabi ni Remulla na kung may malakas na kaso ang ay dapat itong magsampa ng kaso sa Pilipinas dahil mayroon naman maayos na judicial system ang bansa.
Magugunita na July 18, 2023, ibinasura ng ICC Appeals Chamber ang apela ng Philippine government na itigil ang imbestigasyon.
Iginiit ng Office of the Solicitor General (OSG) na hindi na sakop ng ICC ang Pilipinas matapos kumalas ang bansa sa Rome Statute na siyang nagtatag ng ICC. TERESA TAVARES