MANILA, Philippines – Muling pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga overseas Filipino na magrehistro bilang botante para sa 2025 midterm elections.
“As of January 1, 2024, you only have 273 days to register as an Overseas Voter. Deadline is September 30, 2024,” ayon sa kanilang social media post.
Ang mga magpaparehistro ay pinapayuhan na dalhin ang kanilang balidong Philippine passport sa pinakamalapit na Philippine Embassy/Consulate General o mga designated registration centers sa Pilipinas.
Dagdag pa ng komisyon na ang panahon ay hindi lamang para sa pagpaparehistro dahil tatanggap din sila ng iba pang mga aplikasyon na may kinalaman sa botohan.
Kabilang rito ang pag-update ng mga address at iba pang detalye at reactivation ng voter registration status.
“Visit the COMELEC website for relevant information: https://comelec.gov.ph/?r=OverseasVoting,” dagdag pa. .
Batay sa Comelec Resolution No. 10833, nagsimula ang filing period para sa mga overseas Filipino noong Disyembre 9, 2022 at tatakbo hanggang Setyembre 30 ngayong taon.
Maaring ihain ang mga aplikasyo sa alinmang Post sa ibang bansa, o sa mga itinalagang sentro ng pagpaparehistro sa labas ng Post, o sa mga itinalagang sentro ng pagpaparehistro sa Pilipinas na inaprubahan ng Comelec.
Ang mga aplikasyon ay maaaring ihain sa alinmang Post sa ibang bansa, o sa mga itinalagang sentro ng pagpaparehistro sa labas ng Post, o sa mga itinalagang sentro ng pagpaparehistro sa Pilipinas na inaprubahan ng Comelec.
Para sa mga Transfers mula sa Post to Local, ang aplikasyon ay dapat isampa sa lokal na Opisina ng Election Officer sa lungsod/munisipyo/distrito kung saan ang botante sa ibang bansa ay nagnanais na bumoto sa Pilipinas, napapailalim sa mga tuntunin at regulasyon sa lokal na rehistrasyon ng botante
Ang mga pinahihintulutang magparehistro ay pawang mga mamamayan ng Pilipinas, na nasa ibang bansa o nasa ibang bansa sa loob ng 30-araw na panahon ng pagboto, hindi bababa sa 18 taong gulang sa araw ng halalan at hindi nadiskuwalipika ng batas.
Sa kabilang banda, ang mga kwalipikadong Pilipino na nasa Pilipinas ngunit nasa ibang bansa isang buwan bago ang botohan ay maaaring maghain ng kanilang mga aplikasyon sa mga ahensya ng gobyerno upang italaga bilang mga sentro ng pagpaparehistro sa Pilipinas.
Pinapayuhan din ang mga aplikante na ang mobile application ay ise-set up sa ibat-ibang mga lokasyon sa labas ng Posts maliban sa pagapparehistro sa field na tatanggap ng kanilang mga aplikasyon.
Ang pagboto sa ibang bansa ay pinapayagan sa patuloy na 30-day voting period kung saan ang unang araw ay magsisimula sa lokal na oras ng host country at ang huling araw nito ay ang araw ng halalan sa Pilipinas.
Para sa 2025 polls, iboboto lamang nila ang mga posisyon ng 12 senador at isang party-list group. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)