MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na nagtala ito ng pagbaba sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa mga huling araw ng 2023 kumpara sa pre-holidays kung saan tumaas ang bilang ng mga respiratory illnesses.
Sinabi ni DOH secretary Ted Herbosa na ang huling report ng epidemiology bureau noong Disyembre 30 ay kumonti.
Gayunman, hindi binanggit ng DOH ang datos na saklaw ang Dis. 30-31.
Base sa pinakahulingimpormasyin sa Covid-19 tracker website ng DOH, nakapagtala ang Pilipinas ng karagdagang 521 na kaso noong Dis.29 na mas mataas kaysa sa daily cases na naitala noong Dis.24 at 26.
Dinala nito ang kabuuang mga kaso mula noong simula ng pandemya sa 4,135,345, na may 5,757 aktibong kaso. Umabot sa 4,062,775 ang nakarekober, at 66,813 ang namatay.
Sinabi ni Herbosa na ang pagbaba ng mga kaso ay maaaring dahil ang mga tao ay madalas na ipagdiwang ang Araw ng Bagong Taon sa kanilang mga tahanan kumpara sa mahabang linggong holiday rush bago ang Araw ng Pasko, kung saan aniya ay karaniwang nangyayari ang mga pampublikong pagdiriwang at shopping sale.
“So talagang tumaas noon ang respiratory illnesses. Hindi lang COVID-19, including influenza-like illnesses,” dagdag pa ni Herbosa .
Pagtitiyak ni Herbosa sa publiko na ang COVId-19 ay maituturing na bilang isa sa sakit na may mahabang mga kaso.Ngayon ay mas kakaunti na ang kaso sa mga ospital. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)