Home METRO Unang Misa sa 2024 dinumog sa Quiapo

Unang Misa sa 2024 dinumog sa Quiapo

MANILA, Philippines – Libu-libong Pilipino ang nagtungo sa Quiapo Church sa Maynila noong Lunes para dumalo sa kanilang unang Misa ng Bagong Taon.

Dahil marami ang dumalo sa Misa,karamihan ay nanatili sa labas ng Simbahan at inokupa ang bahagi ng Quezon Boulevard at Plaza Miranda.

Ayon sa pulisya, walang “untoward incidents” ang namonitor ngunit binalaan ang mga bisita na tignan ang kanilang anak at mga kagamitan at huwag nagdala ng anumang bagay na makokonsiderang armas.

Ang Quiapo Church ay dambana ng Itim na Nazareno ay inihahanda para sa Kapistahan sa Enero 9, kung saan ibabalik ang Traslacion o prusisyon matapos ang tatlong taon dahil sa pandemic.

Nauna nang inilabas ng Simbahan ang ruta para sa Traslacion na inaasahang dadagsain ng milyong deboto sa buong bansa.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleCOVID cases kumonti sa mga huling araw ng 2023 – DOH
Next articleP901-B collection target nahigitan pa ng BOC