Home NATIONWIDE 4 patay sa pamamaril ng binatilyo sa eskwelahan sa US

4 patay sa pamamaril ng binatilyo sa eskwelahan sa US

UNITED STATES – Pinagbabaril-patay ng 14-anyos na binatilyo ang apat na katao, kabilang ang dalawang estudyante sa isang paaralan sa Georgia, Estados Unidos nitong Miyerkules,
Setyembre 4.

Sugatan din ang siyam iba pa sa walang habas na pamamaril.

Ang namaril ay estudyante rin ng naturang paaralan na nasa kustodiya na ng pulisya.

Sasampahan ito ng reklamong murder.

“Our school resource officer engaged him,” pahayag ni county sheriff Jud Smith.

“The shooter quickly realized that if he did not give up that it would end with an OIS — an officer-involved shooting. He gave up, got on the ground, and the deputy took him into custody.”

Sa impormasyon, inakala pa ng ilang mga nasa paaralan na ang nangyayaring pamamaril ay isang shooter drill.

“Everyone just thought it was a fake drill until my teacher said we didn’t get an email,” ayon sa estudyante si Alexsandra Romeo.

“She got us all in a little corner and everyone was just hugging each other, I had some of my friends crying. Until two police officers came in with their guns and told us that this is not a drill and that we’re still not safe.” RNT/JGC