UNITED STATES – Patay ang apat na indibidwal sa Chicago, sa Estados Unidos dahil sa pamamaril sa loob ng tren.
Ayon sa pulisya, rumesponde ang mga ito sa tawag na natanggap sa 911 emergency hotline kung saan pagdating nila sa Forest Park train station ay doon na naabutan ang apat na biktima.
“Three were pronounced dead on scene, the fourth was transported to Loyola University Medical Center in Maywood, where they were later pronounced,” saad sa pahayag ng pulisya.
Ilang sandal pa ay naaresto ang suspek at narekober din ang armas na ginamit nito.
“This appears to be an isolated incident with no immediate threat to the community,” dagdag pa sa pahayag.
“It’s a horrible situation. It’s definitely something that you don’t want to wake up to. It’s a Monday morning on a holiday,” sinabi naman ni police official Christopher Chin. RNT/JGC