MANILA, Philippines- Nasa apat na indibidwal ang nasawi habang iba pa ang sugatan sa salpukan ng isang pampasaherong bus at isang sports utility vehicle (SUV) sa kahabaan ng Majayjay-Lucban Road sa Majayjay, Laguna nitong Linggo ng hapon.
Base kay Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) officer Reyjohn Libato, naganap ang salpukan sa border sa pagitan ng mga barangay ng Bakia at Ilayang Banga ng alas-3:20 nitong Linggo, base sa ulat.
Naipit ang apat sa loob ng bus, habang hindi bababa sa 30 pasahero ang dinala sa kalapit na mga ospital kabilang ang Majayjay District Hospital, Laguna Medical Center, at mga nasa Nagcarlan at sa Sta. Cruz. RNT/SA