Home METRO 4 patay sa sunog

4 patay sa sunog

BALANGA CITY, Bataan- Patay ang apat na indibidwal, kabilang ang isang 3 taong gulang na babae, nitong Linggo ng umaga matapos hindi makalabas sa nasusunog na dalawang palapag na bahay sa lungsod na ito.

Batay sa ulat mula sa local Bureau of Fire Protection, kinilala ang mga biktima na sina Zenaida Jose, 70; August Jose, 53, isang tricycle driver; Jaimelyn Joy Manalo, 24; at Jaila Adeline Jose, 3, sa sunog na tumama sa isang bahay sa Purok (zone) 1, Barangay Camacho ng alas-4:45 ng umaga.

Nagsimula ang sunog sa unang palapag ng bahay. Nahirapan umanong makalabas ng bahay ang mga biktima dahil nakakandado ang pinto.

Nakontrol ng mga bumbero ang sunog lampas alas-5 ng umaga. Hindi pa natutukoy ng mga awtoridad ang mitsa ng pagliyab. RNT/SA