Maigting na ang pagpapatupad ng Comelec Checkpoint ng mga tauhan ng Manila Police District sa Ermita Police Station 5 sa kahabaan ng MEL LOPEZ Blvd. alinsunod sa itinakdang election gun ban. CRISMON HERAMIS
MANILA, Philippines- Umakyat na sa 594 ang kabuuang bilang ng gun ban violators hanggang nitong Linggo, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Batay sa pinakabagong National Election Monitoring Action Center data, na-monitor ang bilang mula January 11 hanggang February 2 ng kasalukuyang taon.
Sa 594, sinabi ng Comelec na karamihan sa violators at nasa Metro Manila sa 171, 112 sa Central Luzon, 74 sa Central Visayas, at 47 sa Calabarzon.
Karamihan sa violators ay mga sibilyan sa 552, habang 22 ang security guards.
Kabilang din sa violators ang miyembro ng Philippine National Police at lima pang miyembro ng Armed Forces of the Philippines.
Noong January 12, nagpatupad ang PNP ng nationwide gun ban, sa pagsisimula ng election period para sa May 2025 polls. RNT/SA