Home NATIONWIDE 4 Pinoy na nasawi sa Myanmar quake natukoy na

4 Pinoy na nasawi sa Myanmar quake natukoy na

MANILA, Philippines- Positibong kinilala ng mga awtoridad ang mga labi ng apat na Pilipinong nasawi sa magnitude 7.7 quake sa Myanmar sa pamamagitan ng DNA, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ang naturang DNA samples ay ikinumpara sa DNA ng kani-kanilang kamag-anak.

“Yung four na Filipino na namatay sa Myanmar Earthquake positively identified ng DNA natin,” ayon kay NBI Director Jaime Santiago.

Ang apat na biktima ay kasama sa gumuhong condominium building kung saan sila naninirahan sa Mandalay.

Iniulat na mahigit 3,000 tao ang nasawi noong Marso 28 sa naturang lindol na yumanig din sa katabing bansa na Thailand. Jocelyn Tabangcura-Domenden