Home ENTERTAINMENT Natcos ni Winwyn, inokray!

Natcos ni Winwyn, inokray!

Manila, Philippines- Inspired ng 1992 horror film na pinagbidahan ni Alma Moreno ang inirampang national costume ng kanyang anak na si Winwyn Marquez sa preliminary pageant ng Miss Universe Philippines.

Si Winwyn ay isa sa 63 kandidatang kasali sa MUP.

Ang napili niyang isuot bilang natcos o national costume ay inspired ng pelikula ni Alma Moreno na Aswang.

Red body-hugging overall suit ‘yon na pinamumutiktikan ng gold at red sequins na nagmukhang dugo.

To complete the look ay may disenyo ito sa likod na isang nakakatakot na creature na may mahabang dila.

Hati ang mga reaksyon ng mga pageant fans ukol dito.

Pero mostly ay kinukuwestyon na kelan pa raw naging natcos ang representasyon tulad ng aswang?

Bakit daw pinahintulutan si Winwyn na irampa ang naisip nitong natcos?

Dahil daw ba bahagi ng ating folklore ang mga aswang at mga kaparehong nilalang?

As for Winwyn’s part, significant daw ang pelikulang Aswang ng kanyang ina dahil ipinagbubuntis siya noong panahong ‘yon.

Ang pagsali ni Winwyn ay dahil sa mga nabagong pageant rules tulad ng edad at estado ng mga kababaihan.

Open na kasi ang MUP sa mga babaeng may mga anak na.

Maraming nasungkit na special awards si Winwyn na hindi na bagito sa pageantry.

Siya ang kauna-unahang Filipina to have been crowned Reina Hispanoamericana many years ago.

Pinsang buo niya sa father side si Michelle Marquez Dee whose mom and 1979 Miss International Melanie Marquez is the sister of her dad Joey Marquez.

Si Ahtisa Manalo of Quezon Province ang nagwagi at ang magri-represent sa Philippines in the 74th Miss Universe pageant, which will be held in Thailand in November.

She bested 65 candidates for the crown during the finals at the Mall of Asia Arena. Ronnie Carrasco III