Home HOME BANNER STORY 4 suspek tiklo sa P102.5M pekeng gamot sa cancer

4 suspek tiklo sa P102.5M pekeng gamot sa cancer

126
0

MANILA, Philippines – Nasabat ang nasa P102.5 milyong halaga ng pekeng gamot sa entrapment operation sa isang hotel sa Makati City nitong Biyernes, Abril 10.

Naaresto ang apat na suspek matapos makuhanan ng nasa P102,577,500 halaga ng gamot na binubuo ng 400 piraso ng pekeng gamot sa cancer na may label na “Keytruda 100 mg/4 ml.”

Nasa kustodiya na ng pulisya ang apat na suspek at nahaharap sa reklamong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines.

“Hindi biro ang ganitong krimen. Ang pagbebenta ng pekeng gamot ay direktang naglalagay sa panganib ng buhay ng ating mga kababayan. We will not allow these illegal activities to thrive,” pahayag ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.

“Sa ating mga kababayan, be cautious and discerning when buying products, lalo na kung may kinalaman sa kalusugan. Huwag basta magtitiwala sa mga kahina-hinalang transaksyon. At sa mga gumagawa nito, this is our warning—hindi kayo makakalusot. Mananagot kayo sa batas,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here