Home METRO 4 tigok sa banggaan ng elf truck at multicab sa Cotabato

4 tigok sa banggaan ng elf truck at multicab sa Cotabato

99
0

MANILA, Philippines – Patay ang apat katao, kabilang ang isang tatlong taong gulang na batang lalaki, matapos bumangga ang isang elf truck sa isang multicab sa Barangay San Mateo, Aleosan, Cotabato noong Sabado ng hapon, Abril 4.

Base sa CCTV footage na may motorsiklong nasa unahan ng elf truck na sinasakyan ng mga biktima. Nang makalapit ang truck sa motorsiklo, bigla itong lumihis sa kabilang lane, sumalpok sa center island, at bumangga sa kasalubong na multicab.

Dahil sa tindi ng impact, tumilapon ang ilang pasahero ng elf truck. Ayon sa pulisya, apat sa 29 na pasahero nito ang dead on arrival sa ospital.

Sinabi ng Cotabato Police na patungo sana ang mga pasahero sa isang beach sa Maguindanao del Norte para sa pagdiriwang ng college graduation ng kanilang kamag-anak.

Ayon naman sa driver ng elf truck, tinangka niyang iwasan ang motorsiklong nasa unahan niya.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente, habang nagbigay na rin ng financial assistance ang Department of Social Welfare and Development-Region 12 sa mga biktima. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here