MANILA, Philippines – Naghain ang Department of Justice (DOJ), sa pamamagitan ng Office of the Prosecutor General sa pamumuno ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, ng kaso laban sa mga akusado sa 2017 Manas ambush case.
Kinilala ang mga akusado na kinasuhan na sina Emilio Zosa, Arturo Deborborn, Ricky Calagos, Reymart Antivo, at Sofronio Medoranda kaugnay ng Ayon sa ulat, natanggap ng hukuman ang kaso noong Marso 19, 2026.
Batay sa DOJ, isinampa ang kasong murder matapos nilang mapagpasyahan na sapat ang mga nakalap na ebidensiya upang umusad ang reklamong kriminal alinsunod sa umiiral na pamantayan ng ahensya.
Nag-ugat ang kaso sa ambush na naganap noong Hulyo 23, 2017 sa Sta. Margarita, Samar, na ikinamatay ni Enrique Manas Sr. at ikinasugat nang malubha ng ilan pa niyang kasamahan.
Ayon pa sa DOJ, ang paghahain ng kaso ay alinsunod sa resolusyon na inilabas noong Enero 16, 2025 ni dating Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na nag-uutos sa pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga nasabing akusado.
Halos siyam na taon matapos ang insidente, tuluyan nang umusad ang kaso sa hukuman kung saan haharap ang mga akusado sa mga paratang na inihain laban sa kanila. Sa ilalim ng batas, itinuturing silang inosente hangga’t hindi napatutunayang nagkasala sa pinal na desisyon ng hukuman.
Malugod namang tinanggap ng pamilya Manas ang naging hakbang ng DOJ at nanawagan sila ng mabilis at tuloy-tuloy na pag-usad ng paglilitis. RNT