Home METRO 4 timbog sa iligal na droga sa Navotas

4 timbog sa iligal na droga sa Navotas

MANILA, Philippines – NASAMSAM sa apat na hinihinalang tulak ng iligal na droga ang nasa P79,000 halaga ng droga matapos maaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Navotas City.

Ayon kay Navotas Police chief P/Col. Mario Cortes, dakong alas-10:34 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa buy-bust operation sa A. Dela Cruz St., Brgy. San Roque, ang dalawang durugista na sina alyas Bong at “Nonoy”.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 5.24 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P35,632.00 at buy bust money.

Dakong alas-11:30 naman ng gabi nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Langaray St., Brgy. NBBS Dagat-Dagatan, sina alyas Jimboy, 30 at “Ayie”, 37, matapos bintahan ng P500 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa kanila ang humigi’t kumulang 6.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P44,200.00 at buy bust money.

Base kay PSSg Flosine-Mar S Nebre, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez

Previous articleMister inatado ng saksak ng kalugar, utas
Next articleSarah G, hanggang dalawang supling lang!