Home ENTERTAINMENT Sarah G, hanggang dalawang supling lang!

Sarah G, hanggang dalawang supling lang!

Manila, Philippines – Ina-acknowledge ni Sarah Geronimo na marami siyang nararamdamang takot sa pagiging ganap na ina.

Hindi na in-enumerate ng Popstar Royalty what she’s anxious about pero marami raw ‘yon.

Sa vlog interview sa kanya ni Dr. Vicky Belo, tahasang inamin ng first Filipina Global Force recipient na isa siyang late bloomer.

Gayunpaman, hindi naman daw siya nakakaramdam ng outside pressure na magkaanak sa asawang si Matteo Guidicelli.

Kung ano raw ang kaloob ng Panginoon, so be it.

“Huwag lang limang anak!” mabilis na paglilinaw ng singer-actress.

Hanggang dalawang supling lang daw ang kaya niya.

Samantala, so far ay nasusunod naman ni Matteo ang mahigpit na ultimatum na ibinigay niya.

That is to refrain from riding the motorcycle for safety reasons.

Kilala kasing isang consistent risk-taker si Matteo, mapa-hobbies niya o anumang bagay.

Sarah fears for her husband’s life kung kaya’t binilinan niya itong huwag nang mag-motor.

Meanwhile, umaasa raw sila ni Matteo na by September ay matitirhan na nila ang kanilang bagong bahay.

Particularly, malaking kitchen daw ang hinabol nila: “Du’n kasi sa inuupahan namin, nagkakabungguan kami sa kitchen!”

Kilalang “kusina expert” si Sarah.

In fact, pinasok na rin nilang mag-asawa ang food business. Ronnie Carrasco III

Previous article4 timbog sa iligal na droga sa Navotas
Next articleDiarrhea, heat exhaustion ibinabala ng DOH sa mainit na panahon