Home NATIONWIDE Diarrhea, heat exhaustion ibinabala ng DOH sa mainit na panahon

Diarrhea, heat exhaustion ibinabala ng DOH sa mainit na panahon

MANILA, Philippines – Mahigpit na pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga sidewalk vendors, construction workers at traffic aides na laging mag-break tuwing ikalawang oras lalo na ngayong El Nino phenomenon.

Ayon kay DOH secretary Ted Herbosa, ang mga tao na nagtatrabaho sa ilalim ng init ay dapat maghanap ng masisilungan at magpalamig upang maiwasan ang dehydration at pagkahapo sa init na maaaring humantong sa heat stroke.

Paalala pa ng kalihim na uminom ng maraming tubig.

Hinikayat din ng Herbosa ang mga nakatatanda na suriin ang kanilang blood pressure upang maiwasan ang hypertension.

Ang diarrhea ay isa ring malaking problema tuwing mainit ang panahon lalo na kapag madaling masira ang pagkain dahil sa mataas na temperatura.

Ang gastrointestinal illnesses ay maaari rin aniyang magmula sa kontaminadong tubig lalo na kapag ang pinagkukunan ng tubig ay hindi na nagagamit nang matagal na panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleSarah G, hanggang dalawang supling lang!
Next article3 mister huli sa pagbebenta ng baril