Home METRO Mister inatado ng saksak ng kalugar, utas

Mister inatado ng saksak ng kalugar, utas

MANILA, Philippines – NASAWI ang isang mister matapos itong pagsasaksakin ng kanyang kalugar sa Navotas City.

Dead on arrival sa Navotas City Hospital sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si alyas ‘Alfredo’, 45, residente ng A. Cruz St., Barangay Tangos South.

Nakapiit sa loob ng detention cell ng Navotas City Police habang nahaharap sa kasong murder ang suspek na si alyas ‘Victor’, 43, mangingisda, residente ng nasabing lungsod.

Ayon kay Navotas Police chief P/Col. Mario Cortes, dakong alas-9:10 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng A. Cruz St., Brgy. Tangos South.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi nabatid na direksyon dala ang patalim na ginamit nito sa pananaksak sa biktima.

Agad na isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan.

Mabilis na nadakip ang suspek matapos na magsagawa ng follow-up operation ng mga tauhan ng Police Sub-Station 2 sa pangunguna ni P/Capt. Edward Adriano. R.A Marquez

Previous articleDuterte magsisilbing caretaker ng bansa sa byahe ni PBBM pa-Germany, Czech Republic
Next article4 timbog sa iligal na droga sa Navotas