Home NATIONWIDE Duterte magsisilbing caretaker ng bansa sa byahe ni PBBM pa-Germany, Czech Republic

Duterte magsisilbing caretaker ng bansa sa byahe ni PBBM pa-Germany, Czech Republic

MANILA, Philippines – Magsisilbing caretaker ng bansa si Vice President Sara Duterte habang nasa Germany at Czech Republic si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) noong nakaraang linggo na si Marcos ay magkakaroon ng state visit sa Germany at Czech Republic mula Marso 11 hanggang 15.

Inaasahang makikipag-usap at magsasalita siya sa harap ng mga political at business leaders mula sa nasabing mga bansa.

“VP Sara is the caretaker,” ayon kay PCO Secretary Cheloy Garafil. RNT/JGC

Previous articleSuspension orders ng NTC vs SMNI paiimbestigahan ni Padilla
Next articleMister inatado ng saksak ng kalugar, utas