Home NATIONWIDE Suspension orders ng NTC vs SMNI paiimbestigahan ni Padilla

Suspension orders ng NTC vs SMNI paiimbestigahan ni Padilla

MANILA, Philippines – Nais ni Senador Robinhood Padilla na paimbestigahan sa Senado ang indefinite suspension laban sa Sonshine Media Network International (SMNI).

Inihain ni Padilla ang Senate Resolution No. 960 na humihiling sa Senate committee on public information and mass media na magsagawa ng pagdinig sa indefinite suspension order na ipinataw ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa SMNI noong Enero 18.

Nag-ugat ang indefinite suspension order dahil sa bigong pagtugon ng SMNI sa naunang 30-day suspension order na ipinataw ng NTC noong Disyembre dahil sa mga paglabag umano ng network sa terms and conditions ng prangkisa.

“The imposition of baseless suspension orders on SMNI not only constitutes a denial of due process but also an erosion of press freedom,” saad sa resolusyon ni Padilla.

Bagama’t kinikilala ang kapangyarihan ng NTC na magsuspinde at magbawi ng anumang certificate na inisyu sa ilalim ng probisyon ng Public Services Act, ipinunto ng senador ang proviso sa batas na nagsasabing ang suspensyon ay hindi dapat lalampas ng 30 araw, “to avoid serious and irreparable damage or inconvenience to the public or to private interests.”

“The NTC, in its show cause and suspension order, failed to indicate the need to suspend the operations of the SMNI, much more express how this is necessary to avoid serious and irreparable damage or inconvenience to the public or to private interests,” sinabi pa ni Padilla sa resolusyon na matatandaang siya ring nanawagan ng pagharang sa pag-aresto sa iniuugnay na may-ari ng network na si Pastor Apollo Quiboloy,

“In the absence of proof of serious and irreparable damage or inconvenience to the public or private interests that may be caused by SMNI’s continued operations, the general rule shall apply wherein the NTC shall have the power, upon proper notice and hearing, to issue a suspension order pursuant to the Public Services Act,” ipinunto pa niya.

Noong Enero 8, naghain si Padilla ng Senate Resolution No. 895 na nagkokondena sa 30-day suspension order laban sa SMNI. RNT/JGC

Previous articlePNP handang magpatupad ng mga kautusan vs Quiboloy
Next articleDuterte magsisilbing caretaker ng bansa sa byahe ni PBBM pa-Germany, Czech Republic