Home METRO 4 wanted, arestado sa manhunt ops sa Caloocan, Navotas

4 wanted, arestado sa manhunt ops sa Caloocan, Navotas

86
0

MANILA, Philippines – Bagsak sa selda ang apat na wanted persons nang masakote ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa pinaigting na manhunt operations sa Caloocan at Navotas Cities.

Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni NPD Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz sa pangunguna ng District Special Operations Unit (DSOU-NPD) ang manhunt operation laban sa 34-anyos na akusado na nakatala bilang No. 9 sa Top Ten Most Wanted Person sa NPD.

Hindi na nakapalag ang akusado nang bitbitin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, specifically for possession of dangerous drugs during parties, social gatherings, or meetings (Section 13, Article II of R.A. 9165) sa Brgy., 185 alas-7 ng gabi.

Nakorner naman ng tumutugis na mga operatiba ng NPD District Anti-Carnapping Unit (DACU) ang 54-anyos na akusado malapit sa kanyang tinitirhan sa Barangay 182, ng naturang lungsod.

Maayos naman umanong naisilbi sa akusado ang warrant of arrest na inisyu ng Family Court, National Capital Judicial Region, Branch 1, Caloocan City, para sa kasong Rape Through Sexual Assaultna may inirekomendang piyansa na P120,000.

Sa Navotas, binitbit ng mga tauhan ni Navotas Police P/Col. Renante Pinuela ang 23-anyos na kelot na akusado sa kasong Homicide nang maaresto sa Barangay Daanghari ng lungsod sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 12, Lipa City, Batangas, na may inirekomendang piyansa na P180,000.

Habang nasukol naman ng pinagsanib na mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Women and Children Protection Desk ng Navotas CPS sa Barangay San Jose, ang 27-anyos na lalaki na nakatala bilang Top 10 Most Wanted Person sa Navotas CPS.

Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 na inisyu ng RTC Branch 9, Navotas City, na may inirekomendang piyansa na P180,000. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here