Home NATIONWIDE 40 Chinese vessels namataan sa WPS noong Marso – PH Navy

40 Chinese vessels namataan sa WPS noong Marso – PH Navy

MANILA, Philippines- May kabuuang 40 Chinese vessels ang namataan sa West Philippine Sea (WPS) noong Marso, ayon sa Philippine Navy nitong Martes.

Sa isang press conference, sinabi ni Philippine Navy spokesperson for WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na na-monitor ang sumusunod na Chinese ships sa iba’t ibang WPS features:

  • Walong People’s Liberation Army Navy (PLAN) at 14 China Coast Guard (CCG) vessels sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal

  • Anim na CCG vessels sa Ayungin Shoal o Second Thomas Shoal

  • Pitong PLAN at limang CCG vessels sa Escoda Shoal o Sabina Shoal

Sinabi ni Trinidad na hindi matitinag ang Philippine Navy sa Chinese warships sa exclusive economic zones (EEZ) ng Pilipinas.

“We do not speculate on the number of PLA Navy ships in our EEZ. Suffice it to say that we have been conducting our patrols on sea and on air to show that we are not deterred by their presence within our EEZ,” wika ni Trinidad.

Patuloy ang tensyon sa pinagtatalunang katubigan sa pag-angkin ng Beijing sa malaking bahagi ng South China Sea, kabilang ang mga parteng inaangkin ng Pilipinas, Vietnam, Indonesia, Malaysia, at Brunei.

Noong 2016, nagdesisyon ang Permanent Court of Arbitration sa the Hague pabor sa Pilipinas mula sa claims ng Beijing sa South China Sea, sinabing ito ay walang legal na basehan.

Patuloy ang pagbalewala ng Beijing sa desisyon. RNT/SA